Tag Archives: Ninoy legacy

Do we always need a dead hero?

[Below is lifted from the Editorial I wrote for Pilipinas Bulletin, a transrail newspaper in the Philippines.]

Nagluluksa ang sambayanan sa pagyao ng isang napaka-dakilang ina at Pangulo. Marami nang naisulat tungkol sa ating ina at inspirasyon na si President Corazon Aquino: sa pag-gunita natin ng kahulugan nya sa ating buhay bilang Pilipino ay pinupukaw din natin ang ating diwa upang muling gumising ang ating “natulog” na mithiin at pagkilos para sa pagbabago.

May the Yellow Ribbon remain in our hearts and minds forever.

May the Yellow Ribbon remain in our hearts and minds forever.

Tunay ngang napakalungkot ng paglisan nya. Ngunit parang mas nakapanlulumo na kinakailangan pa natin ng isa na namang pagpanaw upang mapukaw muli ang ating diwa. Do we always need a dead hero or heroine in order to unify and call for change? Sana hindi. At sana hindi ito maging katulad ng mga nakaraang mga kaganapan na pagkatapos ng ilang linggo o buwan lamang ay nililibing na din natin sa ating mga alaala.

Sometimes, we tend to be forgetful or we simply get tired so easily. Are we all too tired to remember the lessons from our past? We will give more honor to both Ninoy and Cory by not forgetting. Let us not forget the legacy they left behind. They wanted us to fight for change. They wanted us to lead our people towards greatness. They wanted us to make a difference.

Malayo pa ang ating lalakbayin. Pero sana sa ating patuloy na paglalakbay, kasama natin hindi lang ang alaala nina Ninoy at Cory kundi pati na rin ang init at sigaw ng EDSA I noon: ang pagwawagi ng katotohanan, hustisya, at pagbabago. At sana, huwag na natin pang hintayin na may bayani na namang papanaw bago tayo mapukaw at magka-isang muli.

Digiprove sealCopyright secured by Digiprove © 2014 Mary Anne Velas-Suarin